IKATLONG KABANATA
TAROT
Naniniwala ka ba sa KULAM? Ang sabi ng mga matatanda, ito raw ay ang relihiyon ng mga tao ng nakaraan, kung saan ang sinasamba pa ay ang kalikasan at ang mga kaluluwa na sumakabilang buhay na. Dito humihingi ng lakas ang mangkukulam upang bigyang katuparan ang hiling ng nagpapakulam. Hati ito sa dalawa, ang mabuti at ang masama, parehas na tinatawag na sumpa. Noong unang panahon, ginagamit ang kulam upang maghiganti sa mga taong nagkasala, ginagamit na gayuma upang mapalapit ang isinumpa sa taong nagpasumpa, at minsan ay magbura ng mga parte ng nakalipas na gusto nang kalimutan. Ngunit ang lahat ng ito ay nakasugal sa diyos-diyosan ng mga tao ng nakalipas. SA KALIKASAN, SA KALULUWA, at SA DEMONYO.
_____________________________________________________________________________________________________________
"KAYONG LAHAT, WALANG MAKAKAALAM NG NANGYARI NG GABING IYON, WALANG MAGSASALITA. ERIC, BURAHIN MO LAHAT ITO, ALAM KONG KAYA MO, GAWIN MONG PANAGINIP LANG LAHAT NG NANGYARI, LALO NA SA DALAWANG NASA LOOB. BURAHIN MO RIN SA ALAALA ni ZHEEJ. WALANG MATITIRA."
"Hindi mo alam ang sinasabi mo Kuya Mhax." - Eric
"Wala akong pakialam, hindi ko gusto na nakikita ang mga kaibigan ko na nagkakaganyan."
"Kuya, isusugal mo buhay natin sa demonyo?" ang sarkastikong pagtatanong ni Eric na sinasabayan ng kaba sa takot ng ibinabalak ni Mhax.
Hinila ni Mhax ang damit ni Eric at inihampas ito sa pader. Pilit na pinigilan ng mga kasama nila si Mhax sa ginagawa, ngunit likhang pumasok na ang kapusukan ni Mhax dahil sa nangyayari sa mga kaibigan.
"Wala akong pakialam, kahit nakasanla pa ang buhay natin sa demonyo!" pagalit na binulyawan ni Mhax si Eric.
"Mhax maghunos dili ka, sumusobra ka na." ang pagalit na sabi ni Vince sa kaibigan.
Hinila ni Vince ang kamay ni Mhax upang makalaya si Eric sa mga kamay ni Mhax.
"Huwag kang pakialamero, tandaan mo kasali ka rito. Kaya huwag kang nagmamaangmaangan na okay lang yan nakikita mo na nangyayari sa mga kaibigan mo!" ang pagpapahalata ni Mhax sa kasalanan ni Vince.
"Gago ka ba," sabay pagbuo ng kamao at ititira na sa mukha ni Mhax ngunit hindi niya ito nagawa. " PUTSA ka naman tol, sa tingin mo ginusto natin ang nangyari."
"Akala mo ba ginusto ko rin ang nangyari. Kaya nga gumagawa ng solusyon diba"
"Shit ka, isusugal mo buhay natin para maalis lang yang kasalanan mo."
"Gago ka pala eh!"
Humahagulgol na sa gilid ang dalawang naiwan na mga bata.
Nagsuntukan ang dalawang mas nakakatanda.
"KUYA TAMA NA, GAGAWIN KO NA" ang pagpigil ni Eric sa gulo.
"Kuya tama na. Gagawin ko na." ang muli pang pagpigil ni Eric.
"Ano?!" ang sambit ni Vince na pagalit na nagtanong
"Tama si kuya Mhax, Kuya Vince, mas nakakabuti kung burahin nalang natin ang mga nangyari, wala naman sa atin ang may gusto sa nangyari eh."
"Shit naman eh." ang pagmumuryot ni Vince.
"Kasalanan mo ito eh" ang pagbulyaw nito kay Mhax
"Ano ba , tumigil na kayo! Gagawin natin ito kuya Vince ng matapos na ang problemang ito." ang wika ni Eric na parang naiirita na.
"Ihanda niyo na ang mga gamit para sa orasyon" ang dagdag ni Eric.
Hinanda na nila Mhax ang altar para sa orasyon na gagawin ni Eric para mawala ang alaala ng nakalipas.
Habang inihahanda ni Mhax at Vince ang mesa kung saan gagawin ang ritwal ay biglang umihip ang hangin mula sa sahig kung saan sila naroroon.
Naramdaman ito nila Vince na nagdala ng kaba sa kanilang dalawa na nasa silid.
Pumasok si Eman dala ang mga kandila na nakapatay nang biglang pagpasok nito ay umapoy ng kulay pula ang mga kandila na syang dahilan ng pagbagsak ni Eman sa mga kandila sa may sahig.
"Ano ba ang ginagawa mo Eman? Bilisan mo na." ang wika ni Mhax
"Kuya sumindi ang kandila" ang takot na paglalahad ni Eman.
"Bilisan mo na ng matapos na tayo." wika naman ni Vince na kinakabahan na sa gagawin nila.
Sabay sa pagsabi nito ni Vince ay biglang may paa ng mga lalaki na tumambad sa mga mata ni Eman ng pinulot niya ang mga kandila.
Agad ipinikit ni Eman ang kanyang mga mata at ng pagmulat nito ay nakita niya ang sarili na nakatingin sa kanya.
Tumakbo siya ng mabilis papunta kila Vince.
"Kuya, natatakot ako." ang paglalahad ni Eman.
"Sindihan mo na ang kandila" ang sabi ni Eric na papasok sa silid.
Sa pag sindi ni Eman ay nakita niya mula sa mga apoy ay ang mata na nakabaliktad na tumitig sa kanya.
Lumayo agad si Eman at tumakbo papalapit kay Mhax.
Nagmuestra si Mhax na huwag siyang hawakan ni Eman at magiging okay lang ang lahat.
Pumunta sa gilid si Eman at nagiiiyak.
"Simulan na natin ang ritwal" ang wika ni Mhax.
"Nasaan ang mga baraha?" ang pagtukoy ni Eric sa tarot cards na dapat ay nakalagay sa mesa.
"Nandyan ang mga tarot cards Eric" ang wika ni Vince.
Hinanap ito ni Eric at ito ay nakita niyang nakakalat sa silong ng mesa na nakalabas ang alas na baraha. Natulala siya sa lumabas na baraha.
MAY KASAMA SILA SA KWARTO.
Ito ang inisyal na pumasook sa isip ni Eric.
Dali-dali niyang kinuha ang baraha at nagsimulang basahin ang ritwal na nakapaloob sa isang lumang libro.
Laking gulat ng mga magkakabarkada dahil nasa lingwaheng tagalog ito.
Pabulong na binanggit ni Eric ang mga unang dasal na nakapaloob sa libro.
Pahapyaw na naririnig nila Mhax kung ano ang mga sinasabi ni Eric.
".....sa demonyong nakapalibot.........sa isang dasal......"
"Handa na ba kayo?" ang tanong ni Eric sa mga kasamahan.
Sabay sa pagsabi nito ni Eric ay biglang nagbukas ang mga bintana.
"O dios ng kadiliman dinggin mo ang aming hiling, iwaglit sa isipan ang mga nakalipas......."
At hindi ito natuloy ni Eric dahil ang mga kaluluwa ng mga kaibigan niya ay naglipana sa lugar.
Humihingi ng tulong mula sa kanya.
Nakita ito nila Mhax.
Para lamang silang nakatingin sa salamin nila.
Ngunit ang mga mata nila ay naninisik.
Nakabaliktad ang mga sumasalamin sa kanilang mata. Nakita nila mula sa mata ng mga kaluluwa nila ang parte ng nakalipas.
Bigla nilang narinig muli ang sigaw ni Mhya.
"Tulungan niyo ako!"
Nagulat si Eric ng nakita niya ang mukha nito na nakapatong sa balikat niya ng paglingon niya.
Nawala ito bigla at may tumakbo sa harapan nito.
Isang aninong nakahubad at nakita niya ang mukha niya sa anino.
Tumatakbo ito sa kung ano na matangkad na anino.
Lumingon ito kay Eric, at nung nakita ito ni Eric sa mata ay bigla itong sumigaw ng..
"ITIGIL MO NA YAN!"
Nahimatay si Eman dahil sa narinig ng barkada.
Hindi mabasa ni Eric ng mabuti ang mga nakasulat sa libro.
"Makinig ka lang sa akin...." ang sabi ng matangkad na anino.
"makinig ka lang sa akin....." na biglang lumapit sa balikat ni Eric.
"ERIC ITIGIL MO NA YAN!" ang sigaw ni Vince na nagmamakaawa.
"TUMAHIMIK KA!" ang biglang sigaw ni Eric sa nakikialam na Vince sa isang boses na parang nasapian.
Isinara ni Mhax ang kanyang mga mata at pilit gustong lumapit kay Eric.
"Hindi ba't ito ang gusto mo?" ang mala-demonyong sambit ni Eric habang ito'y kasalukuyan pa ring nakatitig sa mga baraha.
Iminuestra ni Eric ang kamay niya papataas at ito rin ang naghudyat nang pagtilapon ni Mhax sa kisame ng kwarto.
Bumagsak si Mhax sa sahig na may sugat sa kanyang ulo na nagdulot ng kanyang pansamantalang pagkawala ng malay.
Muli nanamang nagsilabasan ang mga kaluluwa ng mga magkakaibigan ng ipinagpatuloy ni Eric ang pagbasa na mukhang sinapian na siya.
Tinungo ni Vince si Mhax sa kanyang kinahihigaan para tulungan si Mhax ngunit sinalubong siya ng kanyang kaluluwa na naninisik na nakatitig sa kanya.
Pinangunahan si Vince ng takot na nagdulot ng pagtungo niya sa pintuan ng kwarto.
Nang mismong hahawakan na ni Vince ang knob ng pintun para buksan ito.
"Kuya Vince tulungan mo ako." ang pagmamakaawang boses ni Eric.
Napalingon si Vince sa kinaroroonan ni Eric. Nakita niya rito ang nakapaikot na ulo ni Eric na nakadilat sa kanya at biglang tumawa na parang demonyo.
"Hindi mo pala matiis ako." ang malademonyong pagsambit muli ni Eric.
Nagulat si Vince sa sinabi ni Eric.
Tumawa si Eric na parang demonyo at patuloy na binasa ang mga kataga mula sa libro.
"May alam ako tungkol sa'yo" ang sabi ng demonyo sa katawan ni Eric na tumutukoy kay Vince.
"TUMIGIL KA NA, GAGO KANG DEMONYO KA, LAYUAN MO KAIBIGAN KO!" ang pasigaw na bulyaw ni Vince, at tumakbo ito papunta kay Eric.
Bigla namang humarap si Eric kay Vince na umiiyak.
"Kuya tulungan mo ako, hindi ko na kaya." ang pagmamakaawa ni Eric.
May lumitaw na imahe sa mga balikat ni Eric, isang imahe ng babae na hindi mo mawari ang mukha.
Mukhang may ibinubulong siya sa mga tainga ni Eric.
Napalayo si Vince kay Eric ng ito ay nakita.
Sa paglayo ni Vince ay napaupo siya at sa balikat niya ay lumabas ang kaluluwa ni Eric.
"Walang sikretong hindi mabubunyag" ang pabulong na sabi ng kaluluwa.
Pumikit si Vince na parang gusto na niyang mabulag dahil sa mga nakikita.
Ng iminulat ni Vince ang kanyang mga mata, nakita niya ang mukha ni Eric, saktong nakatutok sa kanyang mga mukha.
Nakita ni Vince ang imahe ni Eric sa mga mata ni Eric ngunit ito'y nakabaligtad at umiiyak.
"HAHAHAHAHAHAHHA" ang biglang tawa ng nasanibang Eric.
Biglang may malakas na tili ang pumalibot sa kwarto.
Nagsilabasan muli ang mga kaluluwa.
Nagising si Mhax at Eman.
Nakita nila ang mga sarili nila na naglalakad sa kwarto.
Ang mga kaluluwa ay may hawak-hawak na mga baraha habang naglalakad na parang hindi namalayan ang mga tao sa paligid.
Lumayo na si Eric kay Vince.
Ipinagpatuloy nito ang dasal.
Nakakabinging katahimikan ang pumalibot sa kwarto.
Hindi mo na marinig ang mga binabanggit ni Eric.
Sa sobrang tahimik ay naririnig na rin ang tibok ng puso ng isat isa.
Ng iminuestra ni Eric ang ulo papataas ay agad na bumaling ang tingin ng mga kaluluwa sa kanikanilang katawan.
Luminaw ang kanilang anyo na parang sila na ang tao at ang nagmamayari sa kanila ang mga kaluluwa.
Ang mga kaluluwa ay nakahubad na lumapit sa mga nagmamay-ari sa kanila at sa pagbagsak ng ulo ni Eric ay ang biglang paghagis ng mga baraha ng mga kaluluwa sa mga nagmamay-ari sa kanila na nagdulot ng sugat.
Nawalan na ng malay ang mga magkakabarkada.
***
Kinabukasan.
"MGA TOL, GISING NA!" ang excited na wika ni Mhax habang isa isa niyang binuksan ang pintuan ng kanyang mga barkada.
Tuluyan na nga silang nagising sa pangungulit ni Mhax.
Masakit ang mga katawan ng mga magkakabarkada. Hindi din nila mawari kung bakit.
May mga marka silang lahat ng guhit sa iba't-ibang parte ng katawan nila.
"Ano ba ang nangyari kagabi?" ang tanong ni Sam.
"Naginuman siguro tayo" ang wika ni Eman
"Mga Gago kayo, pinainum niyo ba ang kapatid ko?" ang pagalit na wika ni Zheej
"Kuya, okay lang ako." ang pagassure ni Xanthz sa kuya niya.
"O ano na ang plano natin niyan Mhax?" ang tanong ni Vince.
"Basta ang sigurado, wala munang girls. Tayo munang magkakabarkada." ang wika ni Mhax
"O handa na ba kayo" ang dugtong niya pa.
Inimpake na nila ang mga gamit nila.
Nang iniimpake ni Sam ang kanyang gamit ay may nakita siya sa sahig .
Ang necklace na niregalo niya kay Mhya.
Dinampot niya ito at ibinato kay Xanthz.
"At bakit nandito necklace ng kapatid ko?......"
ITUTULOY
No comments:
Post a Comment