ANG IKALAWANG KABANTA
TUNOG
ANO MGA SIKRETO MO? Have you ever heard of the saying "TWO COULD KEEP A SECRET IF THE OTHER MAN IS DEAD"? Masarap magtago ng mga sikreto, minsan masakit rin. Ano nga ba kasi ang gamit ng pagtatago ng sikreto?......Para sa iba ang mga bagay-bagay ay mas maganda nalang itago dahil gusto nila na manorpresa, na magtago nalang dahil ayaw makasakit.
Sabi nila, mas masarap pa daw na makarinig ng kasinungalingan kaysa marinig ang katotohanan. Minsan boring na rin ang katotohanan. Pero iyon pa rin ang totoo eh.
________________________________________
"It's Friday, Friday.....BYERNES NA!" sigaw ni Vince nang nakita niya ang pagsikat ng araw.
"Girls get ready for the master. HAHAHAH." dagdag pa ni Vince.
Tinawagan niya si Mhax para itanong kung saan sila magkikita.
"Tol, saan nga pala tayo" sinabayan pa ng hikbi ni Vince.
"Tol, kagigising mo lang ba?" gulat na pagkasabi ni Mhax.
"Oo, eh bakit ba? Alas sais palang naman ah."
"Gago, ka talaga eh no, nandito na silang lahat sa bahay."
"Ay, shit, sandali lang ah, hintayin niyo ko ah."
"Bilisan mo na."
At ibinaba na nila ang telepono.
Agad-agad naman na nagmadali si Vince. Naghubad na ng damit di pa lang nakakaalis ng kama at deretso ng tumungo sa BATHROOM (hehehehe, para daw sosyal). At ito'y naligo na. Hindi na siya kumain at tumakbo na pababa sa kanilang sala paalis ng bahay. Sinigawan niya ang drayber na aalis siya at pupunta na daw siya sa bahay nila Mhax.
"MANONG EBAN, ALIKA NA AALIS NA TAYO!" sigaw ni Vince sa kanilang drayber.
"Pa, alis na po ako." Sabay halik sa pisngi ng daddy niya.
"Magiingat kayo ha." payo ng kanyang daddy.
"Sige po dad." at nagpaalam na si Vince sa daddy niya.
Sumakay na siya sa sasakyan at nandun na and drayber na nagtatakin ng kanyang shirt sa pantalon niya na bukas. At biglang hinampas ni Vince ang harapan ng drayber.
"Manong mamaya na yan, hindi mo naman kailangan maging pormal, pupunta lang tayo kila Mhax."
"Sorry po sir"
Naiwan na ng drayber na bukas ang zipper ng kanyang pantalon. Agad na rin itong nagmaneho at idineretso na ng drayber ang sasakyan kila Mhax.
Si SAM na ang sumalubong sa sasakyan para sunduin si Vince para tulungan siyang ilipat ang gamit nito sa FX na gagamitin nila papuntang Isabela.
Nakarating na rin ang sasakyan sa bahay nila Mhax.
"Kuya Mhax, nandyan na po yung KOSHE nila kuya Vince." ang paganunsyo ni Eric ng nakita niya ang sasakyan ni Vince.
Nakaabang na si Sam sa sasakyan ni Vince. Hindi pa humihinto ang sasakyan ay binuksan na ni Vince ang pituan at tumakbo papunta ng bahay nila Mhax.
"Tol, ikaw na bahal dyan." sabi ni Vince kay Sam.
"Oo na."
Pumasok si Sam sa sasakyan at nakita na nakabukas ang zipper ng drayber at natulala siya sa nakita.
"Ah, sir, pasensya po ah" biglang sabi ng drayber at taas ng zipper nito.
"Okay lang yan, next time, isara mo zipper mo ah." ang sambit ni Sam.
Umakyat si Sam sa sasakyan at ng hindi sinasadya ay na walan siya ng balanse at nahulog ang kamay niya sa saktong harapan ng drayber.
"Sir, magingat po kayo." sabay tulong ng drayber kay Sam.
"Ah, paxenxa ha" ngunit di pa rin inalis ni Sam ang kanyang mga kamay sa hinaharap ng drayber.
Kinuha na ni Sam ang mga gamit ni Vince sa likod ng sasakyan at hindi niya namalayan na hindi pa rin nakaalis ang kamay niya sa harapan ng drayber.
Nang nakuha na niya ang mga gamit ni Vince ay nagpaalam na ito sa drayber. Hinawakan ng drayber ang kamay ni Sam at inalis ito sa harapan niya.
"Pasensya" ang biglang pagkahiyang sagot ni Sam sa drayber.
"Sir, ok lang po, sa uulitin" ang biglang banat ng drayber "este paalam pala sir, ingat po kayo sa byahe." ang bigla niyang bawi sabay bigay ng ngiting nakaloloko.
Lumabas na si Mhax at Xanthz para tulungan na si Sam para mabilis na silang makaalis. At lumarga na ang kanilang FX na KOSHE.
"Ang tagal mo Sam ah" ang biglang sambit ni Vince.
"Ikaw naman kasi, mga gamit mo yan at ako pa talaga pinagbuhat mo." ang pagbulyaw ni Sam kay Vince.
"Eh, mahal mo naman ako eh." ang pagtanggol ni Vince sa sarili niya.
"OO NA!" sabay batok ni Sam kay Vince.
"Ah mga tol, stop over muna tayo sa Convenience store ah. Wala pa kasi sa atin ang nagaalmusal." sambit ni Mhax na siya naman drayber ng FX.
"Sige kuya Mhax, kain na tayo, gutom na ako eh" sabi naman ni Eman.
"Hula ko, magpapalibre ka nanaman no?" sabi ni Vince na ikinahiya naman ni Eman.
"Alam mo tol ano ba problema mo, kaaga-aga mangaalaska ka kaagad?" sabi ni Zheej kay Vince sabay batok.
"Ako ang bahala kay Eman kaya huwag ka ng magsalita dyan" dagdag pa ni Zheej.
"Salamat naman daw kuya Zheejhay, nakakahiya naman sa'yo"
"Okay lang yan, barkada ka ng pinkapabortito kong kapatid eh." sabay hila kay Xanthz at akbay sa braso.
"Malamang, iyan lang naman kapatid mo" sabay sabi ni Vince.
"Tumigil ka muna Vince, kahit ngayong umaga lang" pakiusap ni Sam.
"Opo na po." at sinabayan ni Vince ng pagsimangot.
"Kuya andito na po tayo sa kainan, kain po muna tayo." ang sabi ni Eric na katabi naman ni Mhax sa harapan.
"Akala ko ba convenience store Mhax?" ang pagtatanong ni Sam.
"Eh, gutom na daw kasi itong katabi ko, kaya dito nalang para busog tayo sa byahe." ang wika ni Mhax
Ipinark na ni Mhax ang sasakyan sa tabi ng turo-turo at niyaya na niya na bumaba ang mga kabarkada para kumain. Babae ang tindera ng turo-turo na binabaan nila.
"Ada pay kadwa niyo" ang sabi ng tindera sabay turo sa sasakyan.
"Ano yun manang?" ang biglang pagtataka ni Mhax sa tindera.
"Awan" biglang kinilabutan ang babae at mukhang namalikmata.
"Ano po ang order niyo sir?"ang tanong na ng babae na hindi na makatingin sa kinalalagyan ng sasakyan.
"Ah, oo. Tol! Ako na mamimili ng ioorder natin ha!" ang sigaw ni Mhax sa mga nakaupo nitong kasama
"Sige lang tol!" wika naman nila.
Nang matapos na silang kumain ay tumuloy na sila sa byahe at ang mga tao sa likod ay natulog na habang bumabyahe. Walong oras pa naman bago makapunta ng Isabela eh.
Nagising si Vince sa kalagitnaan ng byahe at dahil hindi na madatnan pa muli ng antok ay nakinig nalang sa kanyang dinalang PSP at naka-Candy Headphones na siya. Sa kalagitnaan ng pakikinig niya ay biglang nasira ang tunog at biglang tuminis ang kanta. Inalis ito ni Vince at nakita na padedbat na pala ang kanyang PSP kaya hindi nalang niya ito pinansin.
"Tol, okay ka pa ba dyan?" tanong naman ni Vince kay Mhax.
"Ok pa naman tol" ang wika naman ni Mhax na concentrated sa kalasada.
"Tol, saan ulit tayo titigil?" -Vince
"Ah, pagdating siguro natin ng Nueva Ecija, titigil ulit tayo para mananghalian at para makabili na rin tayo ng makakain sa daan. Bakit?" - Mhax
"Wala lang natanong lang, malayo pa ba iyon?"
"Ah malapit-lapit na rin tayo sa Ecija"
Tumigil nga sila sa Ecija para kumain sa unang mall na nakita nila.
Naiwan ni Mhax ang kanyang wallet sa loob ng sasakyan kaya inutusan niya si Eman na kunin ang wallet nito sa sasakyan. Agad-agad namang tumalima si Eman sa utos ni Mhax. Dumeretso siya ng sasakyan at kinuha ang wallet ni Mhax na nakapaibabaw sa mga baraha sa lalagyan sa harap ng passenger side sa harap.
Kumain na nga sila at bumili na rin ng mga chips at crackers.
Bumalik na sila sa sasakyan at tumuloy na sa byahe patungo sa Isabela.
Hindi na mulling natulog ang mga magkakabarkada at inaliw na lang mga sarili nila.
"Pahiram naman ng baraha mo Mhax." sabi ni Eman.
"Wala naman akong dalang baraha ah." -Mhax
"Nandyan man sa lagayan mo" - Eman
Tinignan naman ito ni Mhax at nakita niya nga na may baraha kaya't inabot na niya ito kay Eman.
"Ayan oh." pagabot ni Mhax.
"O, tapos sasabihin mo na wala kang baraha" ang pagsingit ni Vince
"Hindi naman akin iyan eh, baka naiwan ni daddy sa sasakyan lang yan." -Mhax
At naglaro na sa likod ang mga kalalakihan. Si Eric naman ay nasa harapan pa rin at tuluyang nakatanaw sa daan. Nakatulog na rin siya habang nasa byahe. Naalimpungatan siya bigla at napako ang tingin sa isang babaeng namimitas ng mangga. Biglang may dumaan na motor sa gilid ng sasakyan kung saan nakatanaw si Eric at bigla naman ng inalis ni Eric ang titig sa babae.
Binuksan naman ni Eric ang radyo para makinig nalang sila sa FM habang nasa byahe. Naghahanap siya ng signal ng may nahagilap siya ng signal ng musika.
Tumutugtog sa radyo ang kantang "Kahit Kailan ng South Border."
Nagtatanong ang isip
Di raw maintindihan
Kung anong nararamdaman
Dapat mong malaman
Sa puso ko’y ikaw lamang
Ang nag iisa…
Pangangamba
Dapat bang isipin
Walang hanggan
Asahan mo na…
Kahit kailan
Di kita iiwan
Kahit kailan
Di kita pababayaan
Kahit kailan
Kahit kailan…
Bulong ng yung damdamin
Pagibig na walang hanggan
Ang siyang nais kong makamtan
Ngayon ay narito ako
Handang umibig sa iyo
Na walang katapusan…
Pangangamba
Dapat bang isipin?
Walang hanggan
Asahan mo na…
Kahit kailan
Di kita iiwan
Di kita pababayaan
Kahit kailan
Kahit kailan…
Kung ikaw ay mawala sa piling ko
Di na alam kung kakayanin pa kayang
Umibig bang muli
Kahit na ano pang mangyayari
Di maaring ipag-balik
Sasamahan pa kita
Hanggang sa huli…….
Kahit kailan
Di kita iiwan
Kahit kailan
Di kita pababayaan
Kahit kailan
Di magbabago
Kahit kailan
Kahit kailan
Ng humagilap kay Xanthz ang kanta ay naalala niya si Mhya, ito kasi ang soundtrack ng love nila.
"Bakit kaya hindi pa rin nagpaparamdam si Mhya, kahit isang text man lang." ang biglang sambit ni Xanthz.
Biglang natahimik ang magkakabarkada.
"Hindi pa nga rin siya umuuwi eh, eto naman, parang hindi mo kilala kapatid ko, eh baka naman may sinalihan na pageant yun, summer pa man din. Isa pa, siguro natatakot na magpaalam, kasi alam niyang hindi ko siya papayagan." ang sambit naman ni Sam.
"Hayaan mo na yun, magpaparamdam din yun." ang pagpapakalma sa kapatid niya at kay Sam sabay akap sa kanilang dalawa.
Nasa Isabela na sila ng biglang nagulit muli ang kantang "Kahit Kailan." Na ikinairita na ni Vince kaya pinapatay na niya ang radyo.
"Paulit-ulit na lang sila. Wala na ata silang mapatugtog, isara mo nalang Eric." ang sambit ni Vince.
Agad namang tumalima si Eric.
"Nandito na tayo" sabi ni Mhax.
May hotel nga sa harapan nila. Ipinark na ni Mhax ang sasakyan sa harapan ng hotel.
"Welcome to Isabela, Welcome to our summer together." ang wika ni Mhax.
Binatukan naman si Mhax ni Vince.
"Senti mo tsiong, ang bakla naman pakinggan." ang pangaasar ni Vince.
"Alam mo bumaba ka na nga, asar ka pa ng asar jan eh." sabay batok pa ni Zheej kay Vince.
Nauna ng bumaba ang mga nasa harapan. Sumunod naman ang mga nasa likod.
Nang binuksan ni Zheej ang pintuan sa likod ay biglang may itim na pusang tumakbo sa harapan niya. Ikinagulat man ito ni Zheej ay ipinagwalang-bahala na lang niya ito.
"Tol,bilis-bilisan mo man, ang dami pang baba dito oh" ang wika ni Vince.
"Oo na, pababa na po."
Bumalik si Xanthz sa loob dahil naiwan niya ang binili sa kanya ng kuya niya na MP4 player, ng biglang naiwan pala itong tumutugtog. Nakatulugan lang siguro ni Xanthz nung natulog siya nung kinaumagahan ng araw na iyon. Pinatay na niya ito at sumunod na sa kwarto ng kuya niya.
Maaga na nakatulog sila Sam at Xanthz, hindi pa rin mapakali si Zheej sa nakita niya kanina sa pagbaba niya ng sasakyan. Lumabas siya at nagpahangin. At nasalubong niya sa paglabas niya si Eric.
"Kuya, ba't di ka pa natutulog?" wika ni Eric
"Ah, nabobother lang kasi ako sa nakita kanina eh."
"Ano ba yun kuya?"
"May itim na pusa na dumaan nung binuksan ko yung pintuan eh"
"Kuya malas daw yan, sigurado pa ba tayo na itutuloy pa natin ang pagpunta sa camp? Pinabungad na tayo ng masamang pangitain eh?"
"Tuloy tayo, hanggat sa di naman natin pinaniniwalaan yan eh, wala naman mangyayari."
"Kuya mas mabuti pa rin ang nagiingat. Mahirap na"
Isang malakas na hangin ang umihip mula sa bintana sabay sa paglabas ni Mhax.
"O bat gising pa kayo?"
"Mhax, di ako mapakali eh may itim na pusa na dumaan sa harap ko kaninang binuksan ko ang pintuan."
"Ano bat iniisip mo yan? Mas malakas ka dyan Zheejhay."
"Eric ikaw ba, bakit gising ka pa?" wika ni Zheejhay
"May nakita kasi ako na namimitas ng mangga kanina, maalala niyo ba, paborito niya ang mangga?"
"Huwag mo ngang mabanggit iyan" wika ni Mhax
"Bakit dahil hindi niyo mapanagutan ang kasalanan na nagawa natin?" biglang lumabas si Vince sa kanilang kwarto.
"Vince ano ba kasi problema mo?" - Zheejhay
"Wala naman" ang sarkastikong tugon ni Vince.
"May sinabi sa akin yung babae na pinagkainan natin ng almusal kanina. Hindi ko lang mapagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin na "MAY KASAMA PA KAYO" sabay sa pagturo niya sa sasakyan"
"Nasundan ata tayo kuya." wika ni Eric
"Oo nga pala maalala ko, biglang tuminis ung pinakikinggan ko kanina nung natutulog ako. Maalala niyo ba yung kanta na tumutugtog nung nagkainuman tayo?....ung...."BULOY""
"O anong tungkol dun?" -Mhax
"Nung tumutugtog siya sa PSP ko, biglang tuminis ang boses, parang biglang nagboses babae, at biglang tumili nung namatay ang PSP ko."
"Kuya, ang mga baraha biglang dumugo" - ang biglang pasok ni Eman at hawak hawak ang mga baraha na may bahid ng pula.
"Saang dugo? Eh, wala naman." - Mhax
"WAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!! KUYAAAAAAAAAAAAAAAAAAA" nagiiyak na si Xanthz
"Ano nangyari?" - Sam
"Si Xanthz" sabay-sabay na tugon ng mga nasa labas.
"Kuya....huhuhuuhuhuhuhu" ang pagakap ni Xanthz sa kuya niya
"Ano nangyari Xanthz? Ano nangyari?"
"Si Mhya.....si Mhya....si Mhya"
"Anong tungkol kay Mhya?" ang pagtataka ni Sam
"Nagparamdam na siya sa akin......nagparamdam na siya...."
****
"Hal....Hal....tulungan mo ako......tulungan mo ako.....umiiyak siya.....takbo ng takbo, sigaw ng sigaw ng Hal.....sabi ko sa kanya sorry, pero hindi niya ako marinig, hindi niya ako marinig.......hindi ko siya matulungan.....hindi ko siya matulungan......."
****
Biglang tumunog ang stereo sa loob ng kwarto ng BULOY. Napatingin si Vince. Bigla rin itong tumigil. Siya lang ang nakapansin.
"Kuya, tapos sa pagtakbo niya....nahulog siya sa mga kamay ko....nahawakan ko na siya....pero nawala siya.....nawala siya.....napailalim siya sa balon.....nakatitig sa akin, may ibinubulong siya....pero hindi Hal....hindi Hal......hindi ko maintindihan......papalayo siya ng papalayo.......nakatitig sa akin....bukas ang mga mata.....nagmamakaawa...."
Tinawagan ni Sam ang cellphone ni Mhya. Kinakabahan siya, pero nagriring ang phone, nagriring. Tumutunog ang ringback, ...kahit kailan.....
"Huwag kang ganyan Xanthz...buhay kapatid ko...ayan o nagriring cellphone niya"
"KUYA, TULUNGAN MO KO, TULUNGAN MO AKO.....KUYA SAM!!!!!!!!!!!!!" at naputol ang tawag.
"Mhya....Mhya..."
"Tol, kailangan na nating sabihin. Kailangan na natin sabihin" ang bulong ni Vince kay Mhax.
"Tumigil ka dyan huwag muna....huwag muna."
Tumakbo si Eman palabas, sinundan siya ni Mhax at ni Eric, at Vince.
Si Sam patuloy na umiiyak sa may kama. Si Xanthz ay tulala na.
"KAYONG LAHAT, WALANG MAKAKAALAM NG NANGYARI NG GABING IYON, WALANG MAGSASALITA. ERIC, BURAHIN MO LAHAT ITO, ALAM KONG KAYA MO, GAWIN MONG PANAGINIP LANG LAHAT NG NANGYARI, LALO NA SA DALAWANG NASA LOOB. BURAHIN MO RIN SA ALAALA ni ZHEEJ. WALANG MATITIRA." - Mhax
ITUTULOY
No comments:
Post a Comment