Saturday, June 4, 2011

THE JESTER: UNO

ANG UNANG KABANATA


UNO

SUMMER NA NAMAN. Pinakahihintay ng lahat ng mga estyudyante. Opportunity na naman para magliwaliw with friends. Time para makasama ang mga minamahal ng walang sagabal na school. At para naman sa mga walang minamahal, eh oras para makahanap ng mamahalin. Downside lang, walang allowance. HAHAHAHAHHA

______________________________________________________




Last day of classes na para kila SAM, VINCE, EMAN, XANTHZ, MHAX, ZHEEJ at ERIC. Hindi na sila mapakali na umalis sa loob ng klase nila at magkita-kita muli, iba-iba kasi sila ng mga baitang, sila MHAX, ZHEEJ, VINCE at SAM ay mga Juniors na ng kolehiyo. Habang si Eman, Xanthz at Eric naman ay mga Freshies pa lamang.

Isa lang ang hilig ng barkada, at ito ay ang basketball. Kaya unang oportunidad palang na ibinigay sa kanila para maglaro para sa kanilang kolehiyo ay kinagat nila ito agad agad.

Break na ng mga Juniors at iprinisinta ni Mhax sa grupo ang basketball summer camp sa Santiago, Isabella.

"Guys" wika ni Mhax.

"I have something to offer all of you. May summer basketball camp na magaganap sa Isabela, next week na ang start ng camp at dahil birthday din ng barkadahan natin, ako na ang sasagot sa camp fees. Okay ba sa inyo yun?" dagdag pa ni Mhax.

"Sure" wika ni Zheej, "pero isama natin kapatid ko ng payagan ako ni mommy na pumunta sa camp. Ako nalang sasagot para sa kanya."

"Huwag na 'tol, treat ko 'to, at para mas masaya, sama nalang natin yung mga freshies, yun ay kung okay ang buong barkada sa desisyon."

"Why not naman diba?" sabi ni Sam, "The more the merrier, besides, parte na rin naman sila ng grupo natin eh."

Habang sinasabi ito ni Sam ay magkahawak na ng kamay sila ni Zheej. Pinindot ni Zheej ang kamay ni Sam para magpasalamat.

"Go lang dude, anything goes, basta siguraduhin niyong may mga girls sa Isabela ha." ang biglang pahabol ni Vince.

"Gago ka talaga no" sabay batok ni Mhax kay Vince, "may girlfriend ka na't lahat lahat babae pa rin nandyan sa kokote mo."

"Eh, tol, break na kami, kanina lang, brineak ko pa nga siya sa Girl's CR eh. Lintik naman kasi! Nasasakal na ako at siya lagi kasama ko eh."

"Adik ka ba, parang dalawang araw pa lang na kayo ah" ang pagsinggit ni Sam.

"Yun nga eh, dalawang araw pa lang eh nakailan na kami." sinabayan pa ng pagtawa ni Vince.

"Oo na, may mga babae sa Isabela. Isa pa, ang summer na ito ay para sa barkadahan natin, hindi para sa basketball. Hindi na kasi tayo nagkakasama ng matagal kapag summer, isa pa, para dirediretso pa rin ang allowance natin." ang pagbasag sa trip ng barkada ni Mhax.

"Kuya!" sigaw ni Xanthz sa kanyang kuya Zheej.

"O nandyan na pala ang mga baby ng grupo." biglang pagsabat ni Vince.

"HAHAHA, baby ka dyan Kuya Vince, eh mas may experience pa nga kami kaysa sa'yo eh" wika ni Eric.

"Gago pala to eh" biglang pagbawi ni Vince, sabay sa paglabas niya ng kanyang kamao.

"Oh, chillax lang bro" pagpigil ni Mhax.

"Jowk lang, mahal ko kaya tong Eric na to" sabay hugot sa ulo ni Eric at ipit sa bisig ni Vince.

"Shit ka talaga kuya Vince. Wala nang ibang alam gawin kundi manghila ng ulo, mamaya nyan wala na akong ulong matira."

Lumapit si Xanthz sa kanyang kuya at agad naman inalis nila Sam ang kanilang paghahawak kamay. Napansin na ito ni Xanthz at inakap nalang ang kanyang kuya sabay sumalabay.

"Namiss mo ako agad?" wika ni Zheej sa  kanyang kapatid.

"Malamang. Mukhang ayaw mo ata?" sabay baba sa balikat ni Zheej.

"Eto talaga nanlalammbing nanaman. Bumalik ka na nga sa balikat ko."

Tumingin si Zheej kay Sam at sabay ngiti naman ni Sam sa lambingan ng magkapatid,

"Oo nga pala, may surpresa para sa inyo" sabay tingin si Sam sa mga Freshies " ang kuya Mhax ninyo."

"Hahaha, anu nanaman daw yun kuya Mhax" bigkas ni Eman, "isa nanamang initiation? Akala ko members na kami ng grupo?"

"Sira, hindi, at hindi ko naman kayo binigyan ng initiation ah?" wika ni Mhax sabay tingin kay Vince at taas bigla ng kilay.

"Ano nanaman pinagawa mo sa kanila Vince?" wika ng tatlong Juniors kay Vince sabay batok dito.

"Hah?" sabay tingin sa malayo at kamot sa ulo " eh, pinapintura ko sa kanila yung bago kong kotse sa labas" sabay turo sa sasakyan.

"Gago ka talaga eh no," wika ni Zheej "eh hindi mo naman iyan sasakyan eh, kay Prof GUBAT(Gabat) yan eh"

Sabay batok ni Mhax kay Vince. "Mamaya maalis tayo sa scholarship natin dahil sa mga pinag-gagagawa mo."

"Maganda naman yung pagkapintura ng mga to eh," sabay hila muli sa ulo ni Eric at ikiniskis ang kanyang kamao sa buhok ni Eric.

"Anong maganda dyan? Tignan mo nga, pinalagyan mo ng pink na polka dots." wika ni Sam.

"Bagay naman iyan sa kanya eh, bakla naman yun eh, at sigurado ako, na kapag nalaman niya na ako nagpapintura ng sasakyan niya, hay.....siguradong gustong gusto pa nun. Crush kaya ako nun." pagdepensa ni Vince.

"Gago ka talaga, umiral nanaman yang kapreskohan mo" wika sa kanya ni Mhax.

"Uy kuya Mhax, anu na yung surpresa niyo sa amin?" biglang pagsinggit ni Xanthz at di mapakali sa sorpresa.

"Ah, oo nga pala, sinali ko kayo sa isang BASKETBALL SUMMER CAMP sa Isabela." ang sagot naman ni Mhax.

"Kuya papayagan ba tayo ni mommy?" tanong ni Xanthz sa kanyang kuya.

"Ako nang bahala." wika ni Zheej.

"Salamat kuya," sabay higpit ng yakap ni Xanthz sa likod ng kuya niya.

"Oo na, bumaba ka na nga sa likod ko, di ka na bata, mabigat ka na."

"Sorry naman daw kuya."

Tahimik.

"Uy, pwede bang kain na muna tayo? Gutom na ako eh." ang pagbasag ni Eman sa katahimikan.

"Oo nga kain na muna tayo." biglang pagsang-ayon ni Eric

"So, saan tayo kakain?" pagtanong ni Mhax.

"Sa mall nalang tayo." sagot ni Vince.

"Kuya, wala ako pera pang kain sa mall" -Eman

"Ako na bahala sa'yo" sambit ni Zheej. "Para lang matigil na ang mokong ito." sabay batok kay Vince.

"Araykupo, sakit naman nun tol"

"Alika na, ang dami pa kasing arte eh" sabay hila ni Eric kay Vince at sabay tawa.

Habang papalakad sila papuntang mall.

"Eric, napansin mo ba si Mhya kanina sa klase? Mukhang absent ata?" biglang tanong ni Xanthz.

Nagtinginan ang mga magkakabarkada liban na lang kay Xanthz at Sam.

"Ah, oo nga eh, di ko siya napansin kanina. Diba nag-away kayo?" sambit naman ni Eric

"Yun nga eh, gusto ko sana magsorry sa kanya eh, kasalanan ko naman, pinagselosan ko yung mga kasama niyang lalaki nung nakaraang pageant niya." ang sagot naman ni Xanthz.

"Alam mo tol, hayaan mo nalang muna si Mhya, baka gusto munang huminga. Mahal ka naman nun eh, bigyan mo lang muna ng space." sagot naman ng kuya niya.

"Di rin umuwi si Mhya kagabi eh, baka may pageant nanaman na sinalihan. Ganun naman yun eh, di nagpapaalam sa kuya." sabi naman ni Sam.

"Ah, anu ba namang topic yan, pa-" sabi ni Vince ng pinutol siya ng tingin nila Mhax "pakain na nga tayo eh. Eto na pala tayo eh, PIZZA anyone?" sabay na pagdugtong.

"Sige kuya, pizza nalang tayo." sabi naman ni Eman.

"Whoo, papizza-pizza request ka pa, eh ikaw na nga itong ililibre." biglang sambit ni Vince.

Napahiya naman si Eman sa sinabi ni Vince.

"Hoy, Vince, gago talaga to, wala nang masabing matino. Hindi naman ikaw manlilibre eh, ako. OK." sabay hampas kay Vince, naikinainis naman nito ngunit hindi na lang siya nagsalita. "Hayaan mo na Eman. Dito ka nalang sa Kuya Zheejhay mo." Sabay akap kay Eman.

Nag-order na sila ng dalawang 18" pizza sa restaurant. Hindi nga lang sanay kumain si Xanthz ng tinapay kapag hapunan. Alam ito ni Zheej kaya't:

"Ah, waiter." sabay senyas sa waiter si Zheej.

"Ah, pwede paorder ako ng dalawang Chicken meal po ninyo."

"Sir, would that be with softdrinks or juice?" wika naman ng waiter.

Tumingin si Zheej kay Xanthz at ngumiti lang si Xanthz.

"Ah pineapple juice yung isa at para sa kapatid ko, isang large Soft Drinks."

"Ah, waiter." pagsinggit ni Sam.

"Gawin mo ng tatlong chiken meal at dagdagan mo pa ng isang PJ." dugtong ni Sam sa order ng magkapatid.

Habang naghihintay sila sa inorder nilang meal, patago naman na magkahawak kamay si Sam at si Zheej.

Tuloy pa rin sa kwentuhan ang magkakabarkada tungkol sa mga gagawin nila kapag dating nila ng Isabela. Binalak nila na mas mapaaga ang pagpunta nila ng Isabela para hindi sila pagod kapag nagsimula ang camp. Luluwas na sila sa Byernes, dalawang araw mula ngayon at magchecheck-in na lang sa hotel.

Dumating din ang kanilang inorder at kumain na nga sila.

Si Eman, nahihiyang sumubo ng kanyang pagkain lalo na at katabi niya si Vince.

"Eman, lipat ka dito sa tabi namin nila Sam." wika ni Zheej.

"Eman, hindi, dito ka nalang sa tabi ko, masikip na sa side nila Zheej eh." sambit naman ni Mhax.

Tumalima naman si Eman at lumipat sa tabi ni Mhax.

"Kumain ka na Eman, jowk lang yung kanina, parang di ka pa sanay sa akin." sabi naman ni Vince "Ako na bahala sa'yo, ako na manlilibre sa'yo."

"Bigla ka atang bumait kuya Vince." wika naman ni Eric.

"Sa kanya lang, hindi sa'yo" sabay signature move ni Vince kay Eric.

"Kuya naman eh, makakalbo na ako sa ginagawa mo eh."

"Kumain ka na lang kasi dyan. Huwag nang makisabat."

"Opo, kuya Vince."

"Etong Vince talaga na ito" sabay singgit ni Sam.

"Ano nanaman ginawa ko?" sabi naman ni Vince

"Wala kumain ka na nga."

Ilang minuto pa ay natapos na rin silang kumain.

Tumungo si Zheej sa CR at sabay nito ay pinindot niya ang kamay ni Sam.

Napagtanto rin ni Sam kung ano ang pahiwatig ni Zheej.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Vince.

"MagsiCR lang po boss." sabi naman ni Sam na naiirita.

Nang nakapasok na sila sa Common CR, inilock ni Sam ang pintuan at sinungaban naman ni Zheej ng halik si Sam.

Itinulak ni Sam si Zheej. Napagtanto ni Zheej na nagtatampo si Sam.

"Ano nanaman problema Sam?"

"Wala."

"Pinagseselosan mo nanaman kapatid ko?"

"Eh, bakit naman kasi parang daig niyo pa ang magkapatid kung maglambingan?"

"Sam, lumaki kami na walang tatay, iniwan kami kaya nga ganyan ko mahalin yang kapatid ko para maramdaman niya na kahit wala kaming tatay eh may taga pagtanggol siya."

"Eh, kasi eh."

"Sam naman, mahal kita, mahal ko rin kapatid ko, kaya huwag mo na siyang pagselosan, kapatid ko siya eh."

"O sor...." at pinutol ni Zheej ng halik ang sasabihin ni Sam.

"Bati na tayo ha." ang pagkumbinse ni Zheej kay Sam.

"Opo boss. May magagawa pa ba ako?"

"Yan gusto ko sa'yo eh."

O alika ka na, labas na tayo, baka magtaka pa yung mga yun bakit ang tagal natin dito sa loob.

Pag bukas na pagbukas nila ng pintuan eh lumantad sa kanila si Mhax, Vince, Eric at Eman na ihing ihi.

Nagtutulakan na sila kung sino mauuna sa loob.

"Sabay sabay na nga tayo. Pareparehas naman tayong lalaki eh." suhestyon ni Mhax.

At yun nga, sabay sabay silang pumasok ng CR at umihi.

"Xanthz anung nangyari dun sa mga yun, ba't sabay-sabay silang nagsipunta ng CR?" pagtataka ni Sam.

"Yun kuya, nagpaligsahan kasi nanaman sila. Ayan nga oh, nakatatlong pitsel ng coke." sagot naman ni Xanthz

"Sira talaga ang mga yun. Sino nanaman nagpasimuno?" tanong naman ni Zheej

"Sino pa nga ba?" sagot ni Xanthz.

"SI ERIC" sabay-sabay nila na wika.

"Eh, sino naman daw ang nanalo?" tanong ni Sam

"Hahahaha, Si Eric, mukhang nandaya nga eh. Di kasi uminom ng soft drinks nung kumakain eh." wika ni Xanthz

"Eh, bat di ka sumali?" - Zheej

"Eh, wala ka kuya eh, at alam ko naman na pipigilan mo ako eh, diba nga may UTI nga ako, pinayagan mo na nga akong magsoft drinks kanina eh. Tama na yun sa akin." - Xanthz

"Yan ang gusto ko sa'yo eh, good boy." sabay gulo sa buhok ni Xanthz. "O baka nagpapasipsip lang yan sa kuya kasi may gusto nanamang ipabili."

"Hihihihihi" tawa ni Xanthz, "ah, kuya, may nakita kasi akong shoes eh. Hihihihihi. Pwede po ba kuya?"

"Hay, sabi ko na nga ba eh" wika ni Zheej "Buti nalang love ka ni kuya. Sige bibilhin natin bago tayo umalis papuntang Isabela."

ITUTULOY





1 comment:

  1. niCE tokayo ,, ang galing mo tlga ,,

    kaso ,, nakakabitin eh ,,, :)

    _TOKAYO_

    ReplyDelete